Timbog ang 6 na pulis Maynila dahil sa umanoy pangongotong sa mga inarestong curfew violators sa Sta Cruz, Maynila.
Ayon sa Manila Police District nasa custody na ng pulisya ang 6 na pulis matapos sumailalim sa inquest proceedings.
Nabatid na hiningan ng mga naturang pulis ng pera ang 2 taong hinuli nito sa Luzon street at dinala sa Padre Algue Police Community Precinct.
Ibinigay umano ng mga biktima sa dalawang pulis ang P47,000 matapos umanong ang isang motorsiklo at gold necklace.
Pagkalaya ay kaagad nagsumbong ang mga biktima at sa Moriones Police Station at positibong itinuro ng mga ito ang 6 na pulis na nangotong sa kanila.
Dinisarmahan din agad at pinosasan ang mga nasabing pulis na nahaharap sa kasong robbery extortion.