Sisibakin sa puwesto ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang anim na pulis Maynila na inireklamo ng pangingikil ng mga nahuling violator matapos lumabag sa curfew hour sa Luzon Street sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Eleazar, sisiguraduhin niyang masisibak sa serbisyo ang mga pasaway na pulis Maynila.
Matatandaang humingi ng pera ang mga pulis sa dalawang naarestong violators kapalit nang kanilang kalayaan kung saan, napilitan umanong isangla ng mga nahuli ang kanilang motorsiklo at alahas upang makalikom ng 4,700 piso na hinihingi ng mga pulis.
Napag-alaman na isa sa dalawang nasita ng mga pulis ay isang sangguniang kabataan chairperson kaya’t agad silang nagsampa ng reklamo laban sa anim na pulis.—sa panulat ni Angelica Doctolero