Tiyak na ang pagsibak sa serbisyo at pagkakalagay sa kalaboso ng anim na pulis Maynila na inireklamo ng pangingikil.
Ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng ginawang pangingikil ng anim na tauhan ng Manila Police District sa mga nasita nila dahil sa paglabag sa curfew sa Luzon street sa Maynila.
Nabatid na humingi ng pera ang mga pulis sa dalawang naarestong violators kapalit nang kanilang kalayaan.
Kaya naman napilitan silang isangla ang kanilang motorsiklo at alahas upang makalikom ng 47,000 piso na syang ibinigay sa mga pulis.
Isa sa dalawang nasita ng mga pulis ay isang Sangguniang Kabataan Chairperson kaya’t nagsampa sila ng reklamo laban sa anim na pulis. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)