Kinumpirma ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi bababa sa anim (6) na pulis ang nawawala ngayon sa Marawi City.
Ayon kay Dela Rosa, hindi pa rin nila makontak ang nasabing mga pulis na nasa loob pa ng siyudad kung nasaan ang mainit ng labanan
Wala aniya silang ideya kung nagtatago pa ang mga ito o nadakip na ng mga terorista
Sa ngayon, sinabi ni Dela Rosa na nananatili sa tatlong (3) pulis ang napatay at tatlo (3) rin ang sugatan sa bakbakan sa Marawi.
Sa panig naman ng militar, labing-walo (18) ang naitalang patay na sundalo habang walumpu’t siyam (89) ang nalagas sa grupo ng Maute.
By Meann Tanbio | With Report from Jonathan Andal