Pormal nang naghain ng leave of absence ang 6 na Regional Vice President ng PhilHealth.
Batay sa kopya ng liham, kabilang sa mga nagleave of absence sina PhilHealth Regional Office 4-B Vice President Paolo Johann Perez, Regional Office 6 VP Atty. Anne Hollero, Region 10 VP Datu Masiding Alonto Jr., ARMM VP Macabato.
Gayundin sina Regional Vice Presidents Dennos Adre at William Chavez.
Ayon sa mga nabanggit na PhilHealth Vice Presidents, nagpasiya silang mag-leave of absence bilang pagpapakita ng suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth sa isyu ng kurapsyon sa ahensiya.
Epektibo ang kanilang pagliban sa trabaho simula bukas, Agosto 17.
JUST IN: 6 na Regional Vice President ng PhilHealth nag leave of absence bilang suporta sa ginagawang imbestigasyon | via Cely Ortega-Bueno (@blcb ) https://t.co/y4rDLf73gH pic.twitter.com/cbJhD5Me76
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 16, 2020