Sumampa na sa anim ang mga sanggol sa Bicol Region na nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health center for development ng Bicol, isang buwan pa lamang ang pinakabatang nasawi sa virus.
Ang pagkamatay ng mga sanggol ay naitala sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.