Kinasuhan na ng militar ang anim (6) na sundalo, kabilang ang isang opisyal, na nahuling nagnakaw sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Joint Task Force Ranao Deputy Commander Colonel Roemeo Brawner Jr., mga miyembro ng Philippine Army ang mga nahuli na kabilang sa iisang grupo lamang.
Restricted to barracks na aniya ang estado ng mga ito at isasailalim sa court martial.
Pinabalik na din sa mga ito ang mga gamit na kanilang kinuha mula sa mga bahay sa naturang lungsod.
Ayon kay Brawner, bago umalis ng Marawi ang mga sundalo ay ini-inspeksyon ang mga gamit ng mga ito para matiyak na walang mai-u-uwing nakaw na gamit.