Anim na sundalo ang patay habang apat na iba pa ang sugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sumisip, Basilan.
Ayon kay Lieutenant General Carlito Galvez Jr., commander ng AFP – Western Mindanao Command, nagsasagawa ng strike operation ang mga miyembro ng 18th Infantry Battalion sa Barangay Upper Cabengbeng nang maka-engkwentro ang Abu Sayyaf.
Target aniya sa operasyon ang Abu Sayyaf sub-leader na sina Under Siar Alhamsirol at Parong Tedi na nauwi naman sa halos apat na oras na bakbakan sa Basilan Circumferential Road.
Hindi naman idinetalye ng militar kung may nalagas o nasugatan sa panig ng mga bandido.