Inihayag ng London Metropolitan Police na pinalaya na ang 6 katao na dinakip nila kaugnay ng imbestigasyon sa naganap na terror attack.
Sinasabing napatunayan ng mga nahuling suspek na wala silang kinalaman sa nangyaring na terorismo na ikinasawi ng 5 katao.
Gayunman, nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya sa London ang 4 na iba pang suspek dahil sa posibilidad na kabilang sila sa mga nagplano sa naturang pag-atake.
By Jelbert Perdez