Laglag sa kamay ng pulisya ang 6 na miyembro ng isang gun for hire group na sangkot sa pamamaril sa isang negosyante sa Caloocan City
Ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Chief P/Mgen. Guillermo Eleazar, naaresto ng Caloocan Police sa magkakahiwalay na operasyon ang mga suspek sa Barangay 176
Nakuha mula sa mga ito ang iba’t ibang uri ng mga baril at bala gayundin ang motorsiklong ginamit ng mga ito sa pagpatay kay Eugene Borlaza
Sinabi ni Eleazar, posibleng may kinalaman sa love triangle ang isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen subalit sinabi nito na hayaan munang tapusin ng mga awtoridad ang ginagawa nilang imbestigasyon
Mahaharap naman sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions ang mga naaresto habang kasama rin sa mga iimbestigahan ang iba pang operasyon ng mga ito