Nagulantang ang isang mag-anak sa Batangas matapos biglang pumalahaw ang isang 6 na taong gulang na batang lalaki habang sila ay kumakain.
Ayon sa ulat, nakitaan nila ng dugo ang ulo ng bata kaya agad nilang tinapalan ito ng tela.
Sa labis pa na taranta, hindi nila namalayan na basahan na pala ang nagamit nila sa ulo ng bata.
Agad naman sinugod sa ospital ang bata at doon na nakita at nalaman ng pamilya na tinamaan ito ng ligaw na bala sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at pinangangambahan na bumaon sa kanyang utak.
Sa dami nga ng tao sa ospital kung saan dinala ang biktima ay pinili ng mga magulang nito na malinis muna at matahi ang sugat kahit nandon pa ang bala para maiwasan ang impeksyon.
Pero pag-uwi nila, doon na napansin ng ina nito na si Anabelle na apektado na ang pagsasalita nito.
Hinala naman ng mga magulang ng biktima sa may-ari ng baril kung saan galing ang ligaw na bala, nag-inuman pa umano ang mga ito ng gabi na mangyari ang insidente.
Itinanggi naman ito ng may-ari at kanya ng sinurender sa pulisya ang nasabing armas.
Ligtas naman na ang biktima matapos maalis ang bala sa ulo nito.