Patay ang 6 na tiger poachers sa shootout na naganap sa Sundarbans National Park sa Bangladesh.
Ayon kay SM Moniruzzaman, Deputy Inspector General ng pulis sa Khulna range, 5 sa mga police officers ang nasaktan sa nasabing shootout.
Nakarekober naman ng mga pulis ang tatlong tiger skins at limang baril mula sa mga suspek.
Ipinagbabawal na ang paghuli at pagpatay sa mga royal bengal tiger dahil nanganganib na itong maubos ayon sa World Heritage Center.
By Mariboy Ysibido