Arestado ang anim na turista sa Boracay matapos magsumite ng pekeng RT-PCR COVID-19 test result.
Ayon kay acting Provincial Director Police Col. Esmeraldo Osia, galing sa Metro Manila ang anim na turista na hindi pinangalanan.
December 5 aniya ng dumating ang mga ito sa isla kung saan sila nagsumite ng RT-PCR test bilang pangunahing rekisitos sa mga turistang pumapasok.
Ngunit kahapon ay nakatanggap umano sila ng impormasyon na lima sa anim na turistang ito ang nagsumite ng pekeng RT-PCR test.
Dahil dito agad na pinuntahan ng mga otoridad at inaresto ang mga turista.
Isinailalim sa 14-day quarantine period ang mga ito at posibleng maharap sa kasong paglabag sa mga panuntunan tungkol sa pag-iingat laban sa COVID-19.