Naharang ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang anim na hinihinalang biktima ng human trafficking.
Itoy’y matapos madiskubre na ang mga visa nito sa pasaporte sa bansang United Arab Emirates ay peke.
Pawang kababaihan ang mga naharang na pasahero nitong miyerkules sa departure area ng immigration.
Ayon sa ahensya, sinasabi ng mga ito na sila ay mga balik mangagawa o mga OFW’s na babalik sa kanilang dating empleyado pero bigo ang mga ito na magpakita ng anumang kaukulang dokumento.
Nasa kustodiya ng Inter-Agency Council Against trafficking ang mga naharang na pasahero.—sa panulat ni Rex Espiritu