Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Unit ang anim na website ng E-sabong na nagpapatuloy ng operasyon sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, bagama’t nadiskubre na ang mga aktibong website ay hindi pa rin tukoy ang mga indibidwal na nasa likod nito.
Maaalala na noong Mayo a-tres ay pormal na ipinagutos ng punong ehekutibo ang pagpapahinto sa operasyon ng E-sabong sa bansa.
Samantala, binigyang-diin ng tagapagsalita na patuloy nilang tinututukan ang kaso upang maisiwalat at matukoy ang mga taong involved sa patuloy na operasyon sa anim na website ng naturang E-sabong.