Patuloy ang pinaigting na nationwide campaign ng nangungunang digital solutions platform na Globe laban sa cable theft, katuwang ang Philippine National Police.
Patunay nito ang pagkaka-aresto sa anim na magnanakaw ng kable sa Metro Manila, kamakailan.
Naapektuhan sa nasabing insidente ng ang mga customer ng globe, kabilang ang critical services nito, tulad ng mga bangko at medical facilities.
Nasakote ang mga suspek sa M.H. Del Pilar Street, Malate, Maynila noong Setyembre matapos maaktuhang nagpuputol ng dalawandaang pares ng innove copper cable wires na habang 28 meters.
Tatlong araw ang nakalipas ay isa pang suspek ang nasakote rin ng Manila Police District sa kanto ng Maria Orosa street at U.N. Avenue at isa pa sa Paco noong Oktubre.
Ayon kay Gerardo Recio, Globe Enterprise and Corporate Operations Head, pinahahalagahan nila ang tiwala sa kanila ng customers at bawat kable ay kumakatawan sa lifeline ng bawat isa, sa trabaho man ito o sa pag-aaral.
Dahil anya sa pakikipag-sanib-pwersa nila sa mga local agencies, gaya ng P.N.P., hindi lamang nila nilalabanan ang cable theft, bagkus ay pino-protektahan din nila ang bawat koneksyon na nag-durugtong at nagbibigkis sa bawat komunidad.
Aabot na sa 1,181 cable theft incidents sa unang bahagi ng taon ang naitala ng Globe, kung saan tumaas ito noong Hunyo.