Wala pang pinoy ang naiuulat na sugatan sa nangyaring pagsabog sa Istanbul, Turkey.
Nabatid na 6 ang nasawi habang 81 indibidwal ang sugatan sa insidente kung saan inaalam pa ang sanhi nito.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon.
Nagpahayag din ang ahensya ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa naturang insidente.