Ipinalalaan ang 6% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa mga ahensya na may kaugnayan sa edukasyon.
Ito’y base sa inihain na House Bill 1783 ng grupo ng mga progresibong mambabatas sa kamara.
Kabilang sa mga paglalaanan ng GDP ay ang Department of Education (DepEd), State Universities and Colleges (SUCS), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang kaukulang ahensya.
Layunin ng naturang panukala na matiyak na may sapat na pondo ang sektor ng edukasyon, napupunta sa tama ang buwis ng taong bayan at hindi bilang dagdag gastos lamang.
Maliban dito, dapat ring makita ito bilang isang pamumuhunan para sa mga kabataan at sa susunod na henerasyon. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)