Arestado ang anim na indibidwal na umano’y sangkot sa pagbebenta ng nakaw na Ready-To-Wear(RTW) overrun garmets sa Pasay City.
Ayon sa mga otoridad, naghain ng reklamo noong Enero 18 ang isang foreign businessman ukol sa ninakaw na 500 kahon ng damit sa kaniyang bodega na nagkakahalaga ng P5M.
Ito’y matapos makarating sa banyaga na ang mga nawawalang damit ay ibinibenta online ng mga magnanakaw kaya’t agarang nagsagawa ang mga pulis ng entrapment operation.
Nagpanggap na buyer ang saleslady ng businessman at nagkita sa Villamor, Pasay City kung saan dito na nahuli ang mga nasabing indibidwal.
Samantala, mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1612 o Anti-Fencing Law ang mga suspek.