Nakapagtala ng anim na pagyanig at dalawang rockfall ang PHIVOLCS sa bulkang Mayon sa loob ng bente kuwatro (24) oras.
Ayon sa PHIVOLCS, dalawa sa naitalang lindol ay may kaugnayan sa naganap na phreatic eruption sa bulkan dakong alas otso onse kahapon ng umaga at ala sais bente siyete kanina.
Sa tala ng PHIVOLCS, aabot sa 500 meters at 300 meters ang taas ng ibinugang abo ng Mayon.
Sa kasalukuyan, nanatiling nakataas ang alert level 2 sa bulkang Mayon na nangangahulugang nasa moderate level ang aktibidad nito.
Pinapayuhan naman ang mga residente malapit sa bulkan Mayon sa posibilidad ng biglaang pagputok nito, paglalabas ng lava, pyroclastic density currents at pagbuga ng abo.