Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang anim na empleyado ng malakanyang na pisikal sanang dadalo sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batasang pambansa.
Ito ang kinumpirma mismo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos na isailalim sa swab test ang mga nabanggit na kawani ng Palasyo.
Una nang inihayag ng malakanyang na limitado at piling indibiduwal lamang ang inanyayahang pisikal na dumalo sa sona ni Pangulong Duterte.
Ito ay sa kondisyon din na negatibo ang resulta ng isinagawang COVID-19 test sa mga ito, isang araw bago ang SONA.