Nasa mahigit labin lima (15) katao ang pinangangambahang na-trap sa gumuhong anim na palapag na gusali sa New Delhi India.
Ayon sa ulat, puspusan ang ginagawang search and rescue ng mga awtoridad para masagip ang mga natabunan ng guho.
Sa ngayon, dalawang bangkay na ang narerekober ng mga kinauukulan.
Nanawagan naman ng tulong ang National Disaster Response Force ng India para sa mga kinakailangang tulong at medical supplies para sa mga nasugatan sa insidente.
Sinasabing nasa dose-dosenang pamilya ang naninirahan sa naturang gumuhong gusali.
—-