Anim pang barangay ang isasailalim sa lockdown sa lungsod ng Maynila.
Sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapairal ng apat na araw na lockdown sa mga sumusunod na barangay:
- Brgy. 185 Zone 16, Tondo 2
- Brgy. 374 Zone 38, Sta. Cruz
- Brgy. 521 Zone 52, Sampaloc
- Brgy. 628 Zone 63, Sta. Mesa
- Brgy. 675 Zone 74, Paco
- Brgy. 847 Zone 92, Pandacan
Magsisimula ang naturang lockdown mula 12:01 a.m. ng Miyerkules, ika-17 ng Marso, hanggang 11:59 p.m. ng Sabado, ika-20 ng Marso ng taong kasalukuyan.
Walang mga residente mula sa mga nabanggit na barangay ang maaaring lumabas ng bahay sa kasagsagan ng lockdown.
Gayunman, pinapayagan namang lumabas ang mga otorisadong mga indibidwal gaya ng mga healthcare workers, pulisya at militar, mga empleyado ng gobyerno, service workers sa mga pharmacy, drugstore, at death care service establishments, barangay officials, media practitioners na kinikilala ng Presidential Communications Operations Office at ng Inter-Agency Task Force.