Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang 6 na indibidwal na na-tag sa kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, 2 sa mga ito ay nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) habang 3 ang nasa National Bureau of Investigation.
Itinuturing namang saksi ang ilan sa mga indibidwal na sinusuri ngayon kung mastermind din sa pagpatay.
Samantala, muli pang nilinaw ni Remulla na wala sa 6 ang kasabwat ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.
Dahil dito, nanawagan si Remulla sa mga kasabwat lalo na ang driver at isang nagngangalang ‘Orly’ na sumuko na.