Patuloy ang isinasagawang pagtugis ng Manila Police District sa anim pang indibidwal na sangkot sa pagkamatay ng hazing victime na si Horacio Castillo the Third.
Ayon kay MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel , kabilang sa kanilang pinaghahanap ang mga opisyal ng Aegis Juris Fraternity.
Ani Coronel , karamihan sa suspek ay itinatago sa pamamagitan ng tulong ng frat members nito.
Nauna rito , sumuko na sa tanggapan ni Senador Panfilo Lacson ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Atio na si John Paul Solano samantalang tinutunton pa ang kinaruruonan ng isa pang suspek na si Ralf Trangia na nakalabas ng bansa nuong Martes.
SMW: RPE