Patay ang anim na katao habang 27 ang sugatan matapos gumuho ang hindi pa tapos na gusali sa Khuzestan Province sa Iran.
Ayon sa mga otoridad, 40% ng gusali ang nasira dahilan para magkalat ang buhangin sa kalsada at malalaking batong dumagan sa mga sasakyan.
Patuloy ang search and rescue operation sa lugar sa tulong ng mga crane.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng pagguho habang inaresto na rin ang contractor ng gusali.