Patay ang anim na katao habang 15 ang sugatan sa pagsabog sa Chongqing, China.
Batay sa ulat, pinaghihinalaang gas leak sa isang canteen ang sanhi ng paggumuho ng gusali kung saan nakulong umano ang 31 katao.
Nasagip ang 15 katao na nakuha sa guho habang ang 11 ay pinaghahanap pa.
Sa ngayon, ang mga sugatan ay dinala na sa ospital para malapatan ng lunas.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng pagsabog. —sa panulat ni Kim Gomez