Patay ang anim na indibidwal habang sugatan naman ang dalawa pa matapos mahulog sa bangin ang isang Tamaraw FX sa besao, Mt. Province.
Base sa imbestigasyon, tinatahak ng naturang sasakyan ang mabanging kalsada sa bahagi ng Sitio Bunga, Barangay Calengan sakay ang walong pasahero kabilang na ang driver nang mahulog ito sa bangin.
Dead on arrival ang anim na indibidwal habang isinugod naman sa pinaka malapit na ospital ang dalawa pa.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung ano ang sanhi ng aksidente at inaalam narin ang mga pagkakakilanlan sa mga nasawi.