Anim ang patay habang nasa 30 ang sugatan sa bakbakan sa tapat sa Beirut, Lebanon.
Naganap ang insidente sa gitna ng kilos protesta ng mga grupong Hezbollah at Amal na nananawagang tanggalin na si Judge Tarek Bitar bilang lead investigator sa Beirut explosion noong isang taon.
Ayon sa Lebanese Interior Ministry, daan-daang raliyista ang sumugod sa tapat ng palace of justice pero makalipas ang ilang sandali ay umalingawngaw ang putok ng baril na tumagal ng apat na oras.
Agad rumesponde ang militar at naghalughog sa ilang kabahayan.
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung sino o anong grupo ang nagsimula ng kaguluhan. —sa panulat ni Drew Nacino