6 na katao ang patay habang pito ang sugatan sa pagsabog ng isang car-bomb sa lungsod ng Aden, Yemen.
Target sa pag-atake sina Aden Governor Ahmed Lamlas at Government Minister Salem Al-Socotri na kapwa nakaligtas.
Nagpatawag na ng imbestigasyon si President Abdrabbo Mansour Hadi kaugnay sa “terrorist” attack.
Bukod sa mga rebeldeng Houthi na kumubkob sa kabisera na sana sa gitna ng civil war, laganap din ang pag-atake ng ilan pang separatist group sa Southern Yemen.—sa panulat ni Drew Nacino