Patay ang anim na indibidwal matapos magpositibo sa Cholera na isang uri ng bacteria kung saan, tinatarget nito ang intestine ng isang tao.
Base sa mga samples na sinuri ng Department of Health (DOH), 491 ang nagpositibo sa nasabing diarrhea mula sa bayan ng Caraga, Davao Oriental kabilang na dito ang anim na nasawi.
Naglagay na ng karagdagang mga doktor, nurse, at iba pang tauhan ang Local Government Unit (LGU) para matugunan ang pagkalat ng sinasabing waterborne disease habang magsasagawa narin ng survey sa kada-bahay para masuri ang hydration status ng mga residente.
Sa ngayon, nasa 230 ang kasalukuyang naka-admit sa iba’t-ibang ospital.
Dahil dito, naglunsad na ng Massive Emergency Health Response ang rehiyon para maaksyunan ang kasalukuyang Cholera Outbreak habang plano ding magdeklara ng State of Calamity upang tugunan ang pangunahing problema ng mga residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero