Anim ang patay habang tatlo ang sugatan at anim na pamilya ang apektado sa sunog sa Barangay Santa Cruz, Cebu City.
Kinilala ang mga nasawing sina Dan Henry Carvajal, 3 taon; Andre, 6 na taon; Felicity Sachi, 12 taon; Lyka, 16 na taon, Hannah Mae, 34 na taon at Lilian Carvajal, 72 taon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pinaghahanap pa rin ang isang Ivan Mejia, 58 anyos na may kapansanan.
Batay sa imbestigasyon, naka-lock ang bahay ng mga Carvajal kaya’t na-trap ang mga biktima.
Dakong alas dos ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Elizabeth Lao sa Osmeña Boulevard na tumagal ng halos dalawang oras bago tuluyang maapula.
Sampung kabahayan ang naabo at tinaya sa P15-M halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na inaalam pa ang sanhi. —sa panulat ni Drew Nacino