Nasawi ang anim na menor de edad habang mahigit 12 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang School bus sa Bogota, Colombia.
Ayon sa mga otoridad, nagtamo ng malaking danyos ang bus sa paggulong ito sa bangin na may lalim na 200 metro.
Sinabi naman ni san Andres Mayor Jose Rosember Rojas na ang mga mag-aaral ay mula sa paaralan at pabalik na sana ng kani-kanilang tirahan.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho