Patay ang anim na indibidwal kabilang na ang dalawang bata habang sugatan naman ang iba pa makaraang sumabog ang isang illegal fireworks shop sa munisipalidad ng Puebla sa Mexico.
Ayon sa National Guard, hindi pa mabilang kung ilan ang bilang ng mga indibidwal na nasagutan o nadamay sa insidente kung saan, sa lakas ng pagsabog ay ilang mga puno, sasakyan at mga bahay na gawa sa bricks ang nasira.
Sa naging pahayag ni Puebla Gov. Miguel Barbosa, ang sumabog na firework shop ay iligal na nagooperate o nagnenegosyo ng walang rehistro kung saan, mangagaling ang mga permit sa Mexico Defense Department.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at inaalam narinkung sino ang responsable sa pagsabog. —sa panulat ni Angelica Doctolero