Anim na indibidwal ang napaulat na nasawi matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa West Virginia.
Kabilang sa mga nasawi ang isang flight crew member at limang mga pasahero.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter at patuloy na iniimbestigahan ng national transportation safety board at federal aviation administration ang insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si West Virginia Gov. Jim Justice sa pamilya ng mga nasawi sa trahedya.