Patay ang anim (6) katao matapos magka-engkwentro ang mga pulis ng Albuera Leyte sa mismong bahay ng sumukong alkalde na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Nangyari di umano ang putukan nang rumesponde ang mga pulis sa tawag na nagsasabing may mga armadong lalake sa bahay ni Mayor Espinosa.
Naka-recover ang pulisya ng 13 matataas na kalibre ng baril at apat na kalibre 45 baril.
Una rito, sumuko sa Camp Crame si Mayor Espinosa at inamin nitong sangkot sa operasyon ng iligal na droga ang anak niyang si Kerwin.
Patuloy naman ang paghahanap ng awtoridad kay Kerwin Espinosa.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)