Patay ang anim na indibidwal sa naganap na pagbaha sa probinsya ng Batu, East Java sa Indonesia.
Ayon sa Indonesian Rescuers, natabunan ng mga putik at mga bato ang mga bahay kung saan natagpuan ang mga nasawi habang tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap matapos anurin ng baha.
Sa pahayag ng National Disaster Management Agency ng Indonesia, umabot sa 140 ang bilang ng mga residenteng lumikas.
Nabatid na ang Indonesia ay nakakaranas ng tag-ulan simula pa noong buwan ng Setyembre ngayong taon na madalas umanong nangyayari sa iba pang bansa.
Base sa report ng Indonesian NDM, posible pang tumaas ang pag-ulan sa pagitan ng Enero at Pebrero sa susunod na taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero