Patay ang anim na raliyista matapos sumiklab ang karahasan sa ikinasa nilang kilos-protesta sa Guinea, West Africa.
Ayon kay police spokesman Mory Kaba, pinasok ng mga nagra-rally ang road barriers na inilatag nila upang makontrol ang daloy ng trapiko sa lugar.
Naging dahilan ito upang maka-engkwentro ng mga raliyista ang security forces at dito na nasawi ang anim sa mga ito.
Sinasabing binabatikos ng mga militante ang talamak na katiwalian at harassment na umano’y ginagawa ng mga awtoridad.