Patay ang anim na indibidwal habang nasa 200 katao ang napilitang lumikas bunsod ng matinding pag-ulan sa China.
Ayon sa State Media Reports, tatlo ang nasawi sa Fujian Province, dalawa sa Jiangxi Provice at isa mula sa Northern China.
Tatlo naman ang nawawala matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa tubig sa bahagi ng Inner Mongolia Region.
Nabatid na regular na nakararanas ng seasonal rains at pagbaha ang China tuwing summer, na karaniwang nangyayari sa central at southern areas.