Patay ang hindi bababa sa anim na kabataan matapos atakehin ng mga armadong kalalakihan ang isang eskuwelahan sa Cameroon sa Africa.
Habng nasa walong bata naman ang nasugatan.
Batay sa ulat, magtatanghali nang dumating sa eskuwelahan ang mga salarin sakay ng mga motorsiklo at nakadamit pangsibilyan.
Pinasok ng mga ito ang isang sili-aralan saka walang habas na namaril.
Samantala, hindi naman matukoy kung may kinalaman ang pag-atake sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng militar at grupong na nagtatangkang magtatag ng breakaway state na Ambazonia.