Patay ang anim na manggagawa sa naganap na rockslide o pagguho ng lupa sa isang quarry o construction site sa Northern Oman, Middle East.
Ayon sa Civil Defense and Ambulance Authority, critical ang kundisyon ng apat sa mga nailigtas na mga manggagawa habang patuloy pang sinusubukang ireskyu ang iba pang natabunan.
Ayon sa mga otoridad, hindi nila agad nailigtas ang iba pang mga natabunan dahil nahirapan silang alisin ang dami ng mga rumagasang bato sa lugar.
Patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero