Patay ang 6 na katao habang sugatan ang 7 iba pa matapos masabugan ng mortar sa Sirawai, Zamboanga del Norte kahapon.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Region 9 Spokesperson Chief Inspector Helen Galvez, pawang mga tauhan ng Sirawai Plywood Lumber Corporation ang mga biktima ng pagsabog.
Nakita aniya ng isa sa mga trabahador ang nasabing mortar at dinala ito sa bunkhouse at aksidenteng sumabog.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.
—-