Anim ang patay habang 16 na iba ang sugatan sa pagsalpok ng isang tren sa tarpaulin sa Denmark.
Ayon sa ulat, sakay ng tren ang 130 pasahero patungo sa Copenhagen nang tumama ito sa tarpaulin na natanggal mula naman sa isang freight tren na may lulang beer.
Naging mahirap ang rescue operations dahil sa masamang panahon sa lugar.
Pansamantala namang hindi pinayagan ang pagdaan ng mga sasakyan sa suspension road bridge kung saan naganap ang insidente.