Anim na indibidwal ang nasawi kabilang ang isang anim na buwang gulang na sanggol sa naganap na pamamaril sa California.
Naniniwala ang mga otoridad na dalawang indibidwal ang sangkot sa pamamaril sa isang bahay dakong alas 3:30 ng madaling araw.
Ayon sa mga otoridad, ang nasabing insidente ay itinuturing na ”targeted” attack na maaaring may kaugnayan sa gang at drug violence.
Dalawang indibidwal ang nakaligtas sa pamamaril habang ilang indibidwal naman ang nasugatan matapos ang insidente.
Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang mga naturang suspek.