Anim ang patay sa pamamaril ng isang estudyante sa Perm State University sa Perm City, Russia.
Ayon sa National Investigative Committee Law Enforcement Agency, agad namang naaresto ang suspek na estudyante rin sa naturang paaralan.
Nakunan pa sa CCTV camera ang pagtakbo ng mga estudyante habang ang iba ay naglundagan mula sa bintana sa kalagitnaan ng pamamaril.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang.
Ito na ang ikalawang insidente ng campus shooting sa Russia ngayong taon sa kabila ng mahigpit umanong Gun Control Law. —sa panulat ni Drew Nacino