Anim na senior citizen ang nasawi sa naganap na sunog sa isang nursing home sa Eastern Spain.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa pitumpung residente ang inilikas sa naturang pasilidad habang 17 naman ang isinugod sa ospital.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang sunog sa isang silid sa ikalawang palapag ng gusali kung saan inabot ng mahigit dalawang oras bago ito tuluyang naapula.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.