Kailangang maisailalim sa mahigpit na isolation ang anim na Pinoy na nanggaling sa India na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, medical adviser sa National Task Force on COVID-19, sa gitna na rin nang lumalalang kaso ng COVID-19 sa India.
Dapat aniyang matiyak na wala ring mahahawan ang mga naturang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.(herbosa)
Ipinabatid pa ni Herbosa na maging ang mga doktor sa India ay nagulat sa bilis nang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Imported ‘yung virus, pero ang importante, wala silang ma-infect na iba… So, dapat talaga, ma-isolate sila ng 14 days or more hanggang talagang negative talaga sila,” ani Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais