Anim (6) na Afghan International Red Cross workers ang patay sa pamamaril ng mga miyembro ng Islamic State sa lalawigan ng Jowzjan.
Dalawa namang kasamahan ng mga biktima ang pinangangambahang dinukot ng ISIS.
Maghahatid sana ang Red Cross ng mga supply kabilang ang livestock materials sa mga lugar na naapektuhan ng snowstorm at avalanche nang paulanan ng bala ang kanilang convoy.
Dahil dito, pansamantalang itinigil ng ICRC ang kanilang trabaho sa Afghanistan.
Ito ang unang beses na naglunsad ng pag-atake ang teroristang grupo laban sa pinakamalaki at pinakamatatag na humanitarian institution.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters