Posibleng tuluyan nang nakalabas ng Jolo, Sulu ang sampung (10) bilanggo na nakatakas mula sa kulungan.
Ayon kay Chief Inspector Almer Ismael, hepe ng Jolo Police Station, nahirapan na silang tuntunin ang mga takas na bilanggo dahil katabi lamang nila ang mga bayan ng Indanan at Patikul, Sulu.
Anim anya sa sampung nakatakas ay mga miyembro ng Abu Sayyaf.
“Sa ngayon po, sabi ko nga talagang mahihirapan po tayo but we will try our best like nasa Patikul at Indanan municipality na po sila.”
“Sa sampu po, anim po dun ay miyembro ng ASG [Abu Sayyaf Group], ito po ‘yung mga nahuli natin kamakailan lamang.”
“Sa Barangay Bus Bus, so, ito po ‘yung mga nahulihan natin dyan sa barangay na ‘yan during the joint force operations na naganap po dun sa barangay.
“So, we filed case against them.”
Sa ngayon, napag-alaman kay Ismael na inilipat na niya ang mga bantay sa kanilang kulungan sa may munisipyo ng Sulu.
Handa rin anya siyang kasuhan ng kapabayaan ang mga ito depende sa kalalabasan ng imbestigasyon.
Batay sa paunang imbestigasyon, may naipuslit na lagari sa loob ng kulungan na siyang ginamit ng mga bilanggo sa kanilang pagtakas.
14 ang orihinal na tumakas subalit napatay ang tatlo (3), samantalang sugatan ang isa pa sa pagtugis sa kanila ng mga pulis.
“Yung mga…na nabuo dun sa loob ay yun po ang nilagari nila, and then nakalabas po sila.”
“Prior to that, bago po sila nakalabas, ‘yun ngang station duty po natin, station duty guard natin was hit by a hard object, hindi po niya napansin”
- Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)