Anim sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing mayruon silang agam-agam sa pagpapabakuna kontra COVID-19.
Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia mula Pebrero 26 hanggang Marso 3 o mga panahon bago pa man magsimula ang rollout ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Nilahukan ang survey ng may 2,000 respondents na sumagot sa tanong na kung papayag ba silang magpaturok sakaling dumating na ang mga COVID-19 vaccine.
Labing anim na porsyento (16%) lamang ang pumayag na sila’y mabakunahan, 61% naman ang alanganing magpapabakuna habang 23% naman ang hindi pa sigurado.
Lumabas din sa survey na 84% ng mga respondents ang nagsabing hindi magpapabakuna habang nasa 74% naman ang nagsabing hindi sila sigurado sa efficacy o pagiging epektibo ng mga bakuna.
Karamihan sa mga respondents na hindi makapagpasya kung magpapabakuna ay nagmula sa itinuturing na “masa” na siyang prayoridad sa vaccination program.